Khan

UN Special Rapporteur magpupulong sa Malacanang

Chona Yu Jan 31, 2024
154 Views

BIBISITA sa Palasyo ng Malakanyang ngayong Pebrero 1 si UN Special Rapporteur Irene Khan.

Ito ang kinumpirma ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

Ayon sa PTFoMS, makikipagpulong si Khan kay Executive Secretary Lucas Bersamin.

Nasa Pilipinas si Khan para sa 10 araw na pagbisita upang magsagawa ng assessment sa human rights mechanism ng Pilipinas partikular na ang freedom of opinion at expression.

Hindi naman tinukoy ng PTFoMS kung pag-uusapan nina Khan at Bersamin ang isyu sa operasyon ng illegal na droga na isinagawa sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang nahaharap sa kasong crimes against humanity si dating Pangulo Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) dahil naging madugo umano ang kampanya nito kontra illegal na droga.