Marcos1 PRIDE MONTH – Pinangunahan ni First Lady Liza Marcos ang pamimigay ng financial assistance sa mga kuwalipikadong miyembro ng LGBTQIA+ sa pagdiriwang ng Pride Month.

Unang Ginang Liza Marcos, Speaker Romualdez ikinalat pagmamahal ngayong Pride Month

Mar Rodriguez Jun 24, 2024
127 Views

MarcosPamimigay ng AKAP ayuda sa LGBTQIA+ community pinangunahan

IKINALAT nina First Lady Louise Araneta-Marcos at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Hunyo ang pagmamahal at pinangunahan ang pamimigay ng financial assistance sa mga kuwalipikadong miyembro ng LGBTQIA+ sa Mandaluyong City ngayong Lunes bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pride Month.

Sinamahan ni Speaker Romualdez, ang lider ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan, ang Unang Ginang sa pamimigay ng P5,000 sa 5,000 miyembro ng pride community sa ilalim ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pinamumunuan ni Secretary Rex Gatchalian.

“The LGBTQIA+ community has long been a solid and vibrant partner in our nation’s journey toward progress and development. Today, we recognize and celebrate your vital role in nation-building,” ani Speaker Romualdez.

Idineklara ni Speaker Romualdez na ang AKAP ay pagtupad sa pangako ng gobyerno na tutulungan ang mga nangangailangang Pilipino at walang maiiwan.

“Para ito sa mga kababayan natin na nahihirapan sa hamon ng araw-araw na pamumuhay. Alam nating hindi permanente ang ating paghihirap, at darating ang panahon na makakaluwag tayo at aahon. Nawa ay makatulong ang AKAP sa inyo ngayon,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

Ayon kay House Deputy Secretary-General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada Jr., ang mga benepisyaryo ng AKAP ay mula sa Mandaluyong City at mga miyembro ng LGBT Pilipinas sa Metro Manila.

Sinabi ni Gabonada na ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P5,000 at food packs mula sa DSWD sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Mandaluyong College of Science and Technology sa Barangay Addition Hills.

Dagdag pa nito, ang programa ay joint initiative ng First Lady at ni Speaker Romualdez na nataon sa implementasyon ng LAB4ALL program sa Mandaluyong City.

Ayon kay Speaker Romualdez, ang tulong mula sa AKAP ay isa ring pagkilala sa masigasig na pagtatrabaho ng LGBTQIA+ community.

“As we celebrate Pride Month, it is important to reflect on the values of acceptance, equality and love that bind us together. This is a symbolic gesture of our solidarity with the LGBTQIA+ community, reinforcing our resolve to create a society where everyone, regardless of their sexual orientation or gender identity, can thrive and prosper,” sabi pa ng kinatawan mula sa Leyte.

“You have been at the forefront of advocating for equal rights, and your efforts have significantly shaped a more inclusive Philippines. Today, we honor your contributions and pledge our continued support for your endeavors,” dagdag pa nito.