Bagong Pilipinas

Unang ginto, pag-aagawan sa Para Games

73 Views

PAG-AAGAWAN ng umabot sa 870 na differently-abled athletes ang unang gintong medalya sa mga unang event na athletics at swimming ngayong umaga sa pagbabalik matapos ang limang taon na pagpapahinga na nagbukas na 8th Philippine National Para Games sa Ninoy Aquino Stadium.

Ikinatuwa naman ni Philippine Sports Commission Chairman Richard Bachmann at Philspada-National Paralympic Committee Philippines president Michael Barredo na ang kabuuang bilang ng mga magpapartisipang atleta na mula sa 60 local government units ang pinakamalaking bilang na lumahok sa kada taong torneo.

Pinasaya din ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang mga differently-abled athletes sa pagpapahayag ng kanyang buong suporta at pagnanais na makagawa ng mga batas na mas lalong makakatulong sa lahat ng mga Pilipinong may kapansanan.

“Ipagpapatuloy po natin, kahit na mayroon na tayong mga batas na makakatulong sa inyong lahat, na gumawa pa ng mga dagdag na batas para mas mapaunlad pa natin kayong lahat na mga atleta,” sabi ni Go, na isang masugid na taga-suporta ng sports.

“It’s truly exciting to witness the return of the Philippine National Para Games after five years. This is the result of everyone’s commitment to the success of our para-athletes. The talent you will all display not only generates growing interest in the sports you excel in but also serves as an inspiring example for Filipinos everywhere,” sabi naman ni Bachmann, na umaasang makakadiskubre ng mga bagong talento para sa pambansang koponan.

“With the Philippines continuing to achieve remarkable milestones globally as exemplified by our best-ever performance in last year’s Hangzhou Asian Para Games, the whole community is committed to expand the platform where we can achieve victory as a norm and the spirit of inclusivity in sports be emphasized,” sabi ni Bachmann.

“Patuloy ang pagbida ng ating mga para-atleta at lahat ng miyembro ng sektor ng Persons with Disabilities sa anumang larangan na nagpapatunay sa isang Bagong Pilipinas na kumikilala sa galing ng bawat isa. Ito ay patunay na ang sports ay may mahalagang papel sa pagtupad ng mas payapa at pantay na komunidad sa Bagong Pilipinas,” sabi pa nito.

Samantala’y sisimulan naman ngayon paglabanan ang siyam na sports na binubuo ng archery, athletics, badminton, boccia (precision ball sport), chess, powerlifting, swimming, table tennis at wheelchair basketball.

Huling ginanap ang PNPG noong 2019 sa Malolos, Bulacan bago ito naantala dahil sa Covid-19.

Muli itong binuhay ng Philippine Sports Commission sa tanging hangarin na magbigay ng mga kumpetisyon para sa magkakaibang mga atleta na naisagawa nito ang ikawalong edisyon ng kompetisyon.