Ho

Unang kaso ng monkeypox naitala sa bansa

249 Views

NAKAPASOK na sa Pilipinas ang monkeypox, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Undersecretary Dr. Beverly Ho ang nahawa nito ay isang Pilipino na 30-anyos at dumating sa bansa noong Hulyo 19.

Nanggaling umano ang lalaki sa isa sa mga lugar kung saan mayroong kumpirmadong kaso ng monkeypox.

Nakumpirma umano na nahawa ang lalaki ng monkeypox sa pamamagitan ng reverse transcription–polymerase chain reaction (RT-PCR) na ginawa ng DOH Research Institute for Tropical Medicine noong Hulyo 28.

“The case has been discharged well and is undergoing strict isolation and monitoring at home,” sabi ni Ho.

Mayroong natukoy na 10 close contact ang pasyente na hindi pa kinakikitaan ng mga sintomas ng naturang sakit.