BBM2

Uniteam walang bitak — Marcos

Chona Yu Jan 31, 2024
188 Views

WALANG balak si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sibakin si Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education.

Pahayag ito ni Pangulong Marcos sa kabila ng mga banat nina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Congressman Paolo Duterte at Davao City Mayor Sebastian Duterte. Ilan sa mga pahayag ng pamilya ng Duterte ang pagkakasangkot sa ilegal na droga ni Pangulong Marcos at panawagan nitong magbitiw sa puwesto.

Ayon kay Pangulong Marcos, maayos naman ang kanyang relasyon kay Vice President Duterte.

“Well, it’s exactly the same because she has…of that nature. And wala naman siyang sinasabi na ganyang klase. So hindi naman nagbabago,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Naniniwala si Pangulong Marcos na sa ngayon, wala namang bitak ang Uniteam.

Matatandaang sa ilalim ng Uniteam, nagsanib puwersa sina Pangulong Marcos at Vice President Duterte.

“Well, I think so. I believe so because if you remember Uniteam is not just one party or two parties or three parties. It’s the unification of all political, hopefully all the political forces in the Philippines to come together for the good of the country. And that is still there. It is still vibrant, it is still working, and we will continue,” pahayag ni Pangulong Marcos.