Senado inaprubahan revised PCG Law
Aug 11, 2026
Calendar
Ipinakita ng isang operatiba ng MPD bomb squad ang nahukay na bomba sa Ermita, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES
Metro
UP-Manila binulabog ng bomba, granada
Jon-jon Reyes
Jul 8, 2025
607
Views
DALAWANG vintage bombs at isang granada ang nahukay ng mga construction workers sa compound ng University of the Philippines College of Medicine sa Pedro Gil St., Ermita, Manila noong Lunes.
Ayon kay Jomar Seriza, 35, isa sa mga obrero, bandang alas-8:00 ng umaga nahukay ang mga vintage bombs at granada sa ginagawang septic tank sa lugar.
Itinawag sa Ermita police station 5 ang nakitang mga bomba at nagresponde ang mga pulis na pinamunuan ni Police Corporal Fermin Vincent Manango.
Kinordon ang area at itinawag sa mga operatiba ng MPD-Explosive Ordnance Division at ng Regional Explosive Canine Unit ng NCRPO
Napag-alaman na 75 mm projectile at isang type 97 Japanese Hand Grenade (HE) ang nahukay.
Pekeng traffic enforcer nabuking, tiklo sa Tondo
Aug 11, 2026
Computer tech dinedo, mag-utol na suspek tiklo
Aug 11, 2026
Welding machine ninenok, 2 tiklo
Aug 10, 2026
Lalaki dinakip dahil sa boga na walang lisensiya
Aug 10, 2026

