Martin3

US trip ni PBBM nagbunga ng bilyong pamumuhunan, libong trabaho para sa mga Pinoy—Speaker Romualdez

135 Views

NAGBUNGA ng bilyun-bilyong investment at libu-libong mapapasukang trabaho ang pagsisipag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos sa kanyang pagbisita sa Estados Unidos.

Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa paghaba ng listahan ng mga kompanya na nangangakong mamumuhunan sa Pilipinas.

“It is heartening to note that the President’s mission to the US has scored significant gains that would not only spur further economic growth but more importantly, result in direct benefits for thousands of Filipino workers in terms of job created,” ani Speaker Romualdez.

Kasama si Speaker Romualdez sa delegasyon ni Pangulong Marcos na humaharap sa mga opisyal ng US at mga kompanya na nagpahayag ng interes na makapagnegosyo sa bansa.

“The Philippines has a lot to offer foreign investors, including a young and growing workforce, a strategic location, and a favorable business environment. I am confident that Pres. Marcos, Jr. will continue to attract more foreign investment to our country, which will help us achieve our goal of inclusive growth,” dagdag pa ni Speaker Romuladez.

Sa isa sa mga pagpupulong, sinabi ni John Padget, pangulo at CEO ng Carnival Corp. kay Pangulong Marcos ang pagkuha ng 75,000 Filipino seafarer sa susunod na tatlo hanggang apat na taon.

Si Padget ang kumakatawan sa Carnival Cruise Line, Holland American Airlines, at Seaborn. Pinuri ng opisyal ang katangi-tanging ugali ng mga Pilipino sa pagtatrabaho.

Nakausap din ni Pangulong Marcos ang mga opisyal ng business process outsourcing (BPO) firm na Atento na magtatayo ng call center sa Iloilo Business Park sa Mandurriao district sa Iloilo City. Ito ang kanilang unang call center sa Pilipinas.

Pinasalamatan ni Pangulong Marcos si Atento President Fili Ledezma Soto at Chief Delivery Officer Josh Ashby at sinabi na tama ang kanilang naging desisyon dahil ang mga Pilipino ay magaling magsulat at magsalita ng Ingles.

Sa unang taon ng kanilang operasyon, nasa 554 umano ang kanilang kukuning empleyado at 665 naman sa ikawalong taon.

Nakipagpulong din ang Pangulo sa American healthcare services provider na Optum na nais mag-invest ng P800 milyon sa medical BPO at mageempleyo ng 1,500 manggagawa.

Ang pharmaceutical at biotechnology company na Moderna ay plano naman umanong magtayo ng vaccine-making facility sa Pilipinas.

“I am confident that these initial fruits of the President’s labor during his official visit to the US will boost investor confidence in the Philippines, giving us reason to expect additional investments and more jobs for our people,” Speaker ani Speaker Romualdez.

Nakapulong ng Pangulo sina Moderna Chief Commercial Officer Arpa Garay at Senior Vice President and General Manager Patrick Bergstedt.

Sinabi ni Bergstedt na maraming bansa ang nais na makipag-shared services sa Moderna subalit ang Pilipinas ang kanilang napiling “perfect location” para sa kanilang ikatlong shared service facility sa mundo.

Ang Moderna ang isa sa mga kompanya na nakalikha ng bakuna laban sa Covid-19.