Sports on air

Usapang babae sa Sports On Air

Robert Andaya Mar 10, 2022
571 Views

MGA natatanging kababaihan sa sports ang magiging paksa ng usapan sa Sports On Air Weekly kasama si Commissioner Celia Kiram ng Philippine Sports Commission (PSC) ngayong Biyernes, Marso 11.

Si Kiram, na tumatayo ding chairperson ng PSC oversight committee on women, ay magbabahagi ng mga plano na magtaguyod pa ng mga women-oriented sports activities bilang bahagi ng pagdiriwang ng Women’s Month.

Tatalakayin din ng nag-iisang female PSC commissioner ang kanyang matagumpay na “Rise Up Shape Up” web series , na kung saan hinihimay ang mahahalagang papel ng mga kababaihan sa sports pati na ang nakalipas na Gintong Gawad 2021 Awards, na nagb8gay pugay sa mga kababaihang atleta at officials.

Ang forum ay magsisimula ng 10:30 a.m.

Ito na ang ika 11th episode ng “Sports on Air Weekly”, ang pinamabago at pinakamainit na programa na pinamamahalaan nina Ed Andaya ng People’s Tonight, Ernest Leo Hernandez nf SOA,

Gerard Arce ng Bulgar, Ivan Saldajeno ng Philippine News Agency at Gab Ferreras ng Sports Corner PH.

Naging panauhin na din sa “Sports on Air” sina Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Willie Marcial at Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella nung

Jan. 14; Games and Amusements Board (GAB) chairman Baham Mitra at Philippine Olympic Committee (POC) chairman Steve Hontiveros nung Jan. 21; Philippine Sports Commission (PSC) commissioner at SEA Games chef de mission Ramon Fernandez nung Jan. 28;

Philippine Racing Commission (PHILRACOM) Chairman Reli de Leon at PBA coaches Ariel Vanguardia ng Blackwater, Chris Gavina ng Rain or Shine at Rensy Bajar ng NorthPort nung Feb. 4;

Pilipinas Super League officials Ricky Chan, Ray Alao at Marc Pingris nung Feb. 11; former POC president Cristy Ramos nung Feb. 12; boxing champion Vincent Astrolabio at coach Nonoy Neri nung Feb. 17; Wrestling Association of the Philippines president Alvin Aguilar at Kurash Sports Federation head Rolan Llamas nung Feb. 18; at Wushu Federation president Freddie Jalasco,

Philippne Judo Federation secretary-general David Carter at Samahang Kickboxing ng Pilipinas secretary-general Wharton Chan nung Feb. 25; at Association of Boxing Alliance of the Philippines (ABAP)president Ed Picdon nung March 4.

Ang weekly sports program ay naka livestreamed sa Sports on Air Facebook page at YouTube channel pati na sa Sports Corner PH page.