Usec Edu Punay itinalagang OIC ng DSWD

206 Views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Undersecretary Edu Punay bilang officer-in-charge ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Si Punay ay itinalaga matapos na ma-bypass ng Commission on Appointment (CA) si Secretary Erwin Tulfo sa ikalawang pagkakataon.

Sa kasalukuyan si Punay ang undersecretary for special projects ng ahensya.

Siya ay dating mamamahayag na naitalaga sa executive, legislative, at judiciary.