Calendar
Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang bantang ipinadala sa University of Sto Tomas (UST) College of Rehabilitation Sciences.JONJON C. REYES
UST binantaan online: Naudlot na bombing, shooting itutuloy
NABULABOG Martes ng umaga ang University of Sto Tomas (UST) College of Rehabilitation Sciences matapos isang umano’y bomb threat ang ipinadala sa Messenger mula sa account na nagnangalang ‘Tiger Ttiger.”
Inireport ng UST detachment commander ang insidente sa UBA-PCP na sakop ng MPD -Barbosa Station14.
Ayon sa report ng pulisya, inireport ng dean ng College ng Rehabilitation Sciences na natanggap ang banta sa Messenger bandang 6 a.m. ng isang kinatawan ng Physical Therapist Society.
“PLEASE DO NOT IGNORE THIS MESSAGE. Narinig ko sa CR ng mga lalaki sa Central Library kahapon ng umaga, bandang 9:00 AM, na plano nilang ituloy ang pagpapasabog ng bomba NGAYON—sa Med, Main Building, at St. Raymund. NGAYON, Martes, Oktubre 27. Nabanggit din ang tungkol sa pamamaril (shooting) dahil hindi ito natuloy noong nakaraang Sabado. Pakiseryoso po ito.
Kaming mga estudyante ay hindi nakararamdam ng seguridad,” ayon umano sa banta.
Agad tumugon ang mga tauhan ng UBA PCP sa pamumuno ni PMaj. Reydel Closa, PCP Commander ng UBA PCP, kasama ang apat pang tauhan. Katuwang nila ang mga tauhan mula sa seksyon ng imbestigasyon sa pamumuno ni PEMS Laurencio Q. Bernardo kasama ang dalawa pang tauhan.
Bandang 7: 00 ng umaga, nakatanggap din umano ng parehong mensahe sa Messenger ang Central Student Council.
Bandang 7:40 ng umaga, ay nagpadala din ang nasabing sender ng parehong mensahe sa Commission on Elections (COMELEC).
Bandang 7:45, dineactivate ng sender ng mga banta ang kanyang social media account.
Ang mga tauhan mula sa Manila Police District Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit (MPD EOD/K9 Unit), sa pamumuno ni Police Lieutenant Maria Yu kasama ang tatlong opisyal, ay agad nagsagawa ng “paneling operations” o paghahanap ng mga pampasabog.
Tumulong din sa imbestigasyon ang mga tauhan ng Manila District Anti-Cybercrime Team, sa pamumuno ni Police Corporal Evan Atad.

