PRC

UST grad nanguna sa CPA licensure exam

221 Views

ISANG graduate ng University of Santo Tomas ang nanguna sa May 2022 Certified Public Accountant licensure examination.

Ayon sa Professional Regulation Commission si Jhoone Cyrelle Dela Cruz Nacario ay nakakuha ng 88.83 porsyento.

Sa 4,442 kumuha ng exam, 990 ang nakapasa.

Tabla naman sa ikalawang puwesto sina Darleen May Baria Alcantara ng San Beda University at Yanna Jillianne Bariarmente Cruz ng Polytechnic University of the Philippines-Sta. Mesa, na kapwa nakakuha ng 88.17 porsyento.

Nasa ikatlong puwesto naman si Charlene Mar Noche Perez, ng UST na nakakuha ng 88 porsyento.

Sumunod sa kanya si John Daniel Madriaga Sarmiento ng De La Salle University-Manila (87.67 porsyento) at tabla sa ikalimang puwesto sina Nur-Hafeiza Jannah Imam Abinal ng Mindanao State University-Marawi City at Lester Antoni Gibo De Guzman ng Divine Word College of Calapan na nakakuha ng 87.33 porsyento.

Isinagawa ang pagsusulit sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.