UST Nabawi ng UST ang korona sa UAAP poomsae. UAAP photo

UST naghari sa UAAP poomsae

Theodore Jurado May 31, 2022
335 Views

SUMANDAL sa malakas na ipinakita sa team events, winakasan ng University of Santo Tomas ang dalawang taong paghahari ng La Salle sa UAAP poomsae competition kahapon sa Coral Way ng Mall of Asia Arena.

Napunta ang men’s team gold kina Tigers’ Vincent Gabriel Rodriguez, Miguel Alexandre Baladad at Darius Venerable na may 8.520, kung saan tinalo nila sina National University’s James

Matthew Lopez, Kier Macalino at Ricco Jame Teraytay, na nakuha ang silver na may 8.380, at sina Green Archers’ Jessie Daniel Ignacio, Michael Porras at John Aldrin Pacana, na may 8.220 para sa bronze.

Nagawang tapusin ng UST ang trabaho makaraan kunin ang women’s team gold sa pamamagitan nina Aidaine Laxa, Chelsea Xen Tacay at Stella Nicole Yape na may 8.515.

Narating ng University of the Philippines ang kanilang kaisa-isang podium finish – ang silver nina Joanna Pauline Jubelag, Adel Julianne Adriano at Alyssa Louise Caabay na may 8.500, habang nag-bronze sina La Salle’s Mikee Rose Regala, Zyka Santiago at Daphne Ching na may 8.400.

Naiuwi ni Laxa ang Rookie-MVP award. Nakakuha rin siya ng silver sa women’s individual event para sa Tigers.

Nanguna sina Kobe Macario at Jade Ashley Carno sa mixed pair na may 8.665 upang umpisahan ang gold rush ng UST. Nakopo nina La Salle’s Patrick Perez at Mikee Rose Regala ang silver na may 8.615 habang sina NU’s Ceanne Rosquillo at Leila Soria took the bronze with 8.555.

Pumangalawa ang Bulldogs na may isang gold, dalawang silvers at isangbronze, habang ang Green Archers, ang ikalawang winningest team na may tatlong titulo, ay pumangatlo na may 1-1-3 haul.

Nakamit ni La Salle’s Perez ang ikatlong sunod na individual men’s gold sa UAAP na may 8.550 upang daigin sina NU’s Rosquillo (8.53) at UST’s Rodriguez (8.370).

Nasambot naman ni NU’s Soria ang individual women’s gold na may 8.470, matapos mamayani kontra kina UST’s Laxa (8.455) at La Salle’s Sofia Sarmiento (8.385).

Pumang-apat ang UP, na sinundan ng Ateneo at Far Eastern University, na pumang-lima at pumang-anim, ayon sa pagkakasunod.