Calendar
Uwian na!
Gripo ng mga kalaban isasara na matapos i-endorso Digong si BBM
HINDI lamang mga financier ni Leni Robredo ang isa-isang nag-aatrasan kundi pati mga ‘funder’ din nina Isko Moreno, Manny Pacquiao at Ping Lacson ay unti-unti na ring magsasara ng ‘gripo.’
Ayon sa mga political operator, tapos na ang boksing ngayong mismong ang PDP Laban party ng Pangulong Duterte ang nag-endorso sa nangungunang presidential candidate na si Ferdinand ‘Bongbong Marcos, Jr.
“Tama yung report sa mga dyaryo at social media. Uwian na, may nanalo na!” anang isang political analyst na tumangging magpabanggit ng pangalan.
Sinabi nitong asahan sa mga susunod araw ay mananamlay ang kampanya ng mga kalaban ni Marcos dahil unti-unti ay mauubusan na sila ng bala.
“Wala na iyan, tapos na ang boksing dahil sure win na si BBM,” sabi pa niya.
Idinagdag nitong ngayong pa lang ay wala nang planong magbigay ng pondo ang ilang financiers sa mga kulelat na presidentiables dahil kahit anong paninira at paggawa ng fake news laban kay BBM, hindi ito natitinag sa pagiging Number 1.
Ang masaklap pa, hindi lang basta Number 1 sa rankings kundi malayong nakasunod sa kanya ang number 2 na katulad ni Robredo.
Kung matatandaan, mismong mga political vlogger ang nagpiyesta sa social media nang talakayin ang isang newspaper report na marami nang financiers ni Robredo ang ayaw nang magbigay ng pondo sa kanya.
Ang nagbibigay na lamang ngayon para tustusan ang kampanya ni Robredo ay mga oligarch na mula’t mula ay anti-Marcos o mga multi-millionaire na nakinabang matapos ang Edsa People Power 1.
Asahan na rin na muling uugong ang pag-atras ng ilang presidential candidate o lalong buhayin ang alyansa ng mga talunan sa paniwalang kung magsasama-sama sila ay matatalo pa nila si Marcos sa darating na May 9 elections.
“Suntok sa buwan iyan at malabo pa iyan sa sabaw ng pusit,” sabi ng isang beteranong political reporter.
Ilang ulit nang umugong ang pag-atras sa puwesto nina Pacquiao at Isko, ngunit itinanggi nila ang mga ito.
Si Lacson naman ay naunang nagbunyag na may kumakausap sa kanya mula sa kampo ni Robredo upang umatras na lang ito para sumama sa pinklawan.
“Paano pa sila sasama sa pinklawan, eh infested na sila ng teroristang NPA,” sabi ng isang political observer.
Malaki ang paniniwala ng ilan na iyong ibang presidential candidate, bagaman alam na nilang talo sila sa darating na halalan ay ayaw pa rin umatras sa pampanguluhan dahil may mga nakukuha pa silang pondo.
Pero magiging iba na aniya an gang sitwasyon ngayon dahil may endorsement na mismo si BBM mula sa kampo ng Pangulong Duterte.
“Eh noong wala ngang endorsement antaas ni BBM, lalo pa ngayon kaya sayang lang para magbigay pa ng pondo kina Leni, Isko, Ping at kahit kay Pacquiao,” pagtatapos pa nito.