LRTA

Vaccination site sa LRT-2 Antipolo station bukas na mula Lunes hanggang Sabado

463 Views

PINALAWIG ng Antipolo City government at Light Rail Transit Authority (LRTA) ang operasyon ng vaccination site nito sa Antipolo station ng Light Rail Transit 2 (LRT-2).

Simula ngayong linggo ay bukas na ang vaccination site mula Lunes hanggang Sabado. Dati ay mula Miyerkoles hanggang Biyernes lamang ang operasyon nito.

Upang makahikayat ng mga magpapabakuna, binibigyan ng LRTA ng one-day pass sa pagsakay ng LRT-2 ang mga magpapabakuna laban sa COVID-19.

“We are expecting more vaccinees as we step up our vaccination efforts in order to ensure the safety and protection of our commuting public,” sabi ni LRTA Administrator Jeremy Regino.

Binuksan na rin ng LRTA ang vaccination site nito sa Cubao station ngayong araw. Maaaring magpabakuna rito tuwing Lunes mula alas-8 ng umaga hanggang 4 ng hapon.

Ang bakunahan naman sa Recto station ay bukas tuwing Martes hanggang Huwebes mula alas-8 ng umaga hanggang 5 ng hapon.