Hangzhou

Valdez, 9 pa puntirya unang ginto sa 65 taon

199 Views

HANGZHOU, Zhejiyang — Sa pangunguna ni 2021 Tokyo Olympic shooter Jayson Valdez, asinta ng 10 atleta na tighawin ang panunuyo sa gintong medalya ng ‘Pinas sa 65 na taon sa 19th Asian Games 2022 sa China sa Sept. 23-Oct. 8.

Kasama rin sina 2021 Tokyo Olympian Jason Valdez, 2012 London Olympian Brian Rosario at 2008 Beijing Olympian Eric Ang, veteran internationalists Carlos Carag, Amparo Teresa ‘Ampao’ Acuna, Franchette Shayne Quiroz, Elvie Baldivino, Hagen Alexander Topacio at Joaquin Miguel Ancheta, at rookie Enrique Enriquez.

Mga suportado ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee, papalag sina Valdez, 28, Acuna, 26, Quiroz, 26, at Baldivino sa rifle; sina Ang, 52, Carag, 60, at Topacio sa trap; sina Rosario, Ancheta at Enriquez, 31, sa skeet.

Tiwala si PNSA secretary-general Iryne Garcia may makakamedalya sa mga national marksmen sa halos 3-week quadrennial continental sportsfest.

“Creme dela creme of PH shooting, Jason (third Asian Games/Tokyo Olympics), Olympian Brian (2nd AG), expect some nice performance from these two and rookie Enrique who is currently doing so well, of course we have pistol shooter Franchette, new in Olympic pistol but she’s a world champion in other events in pistol as well,” litanya ng opisyal na dumating ng Athletes Village dito mula sa halos apat na oras direct flight mula sa Manila.

Dinagdag pa niyang beterana rin si Amparo na maganda ang kinalalagyan sa world (International Shooting Sports Federation) ranking (No. 128 sa 50m rifle 3 positions at 153rd sa 10m air rifle).

Sa 17 Asiad, pumitas na ang bansa ng limang ginto – apat sa inagurasyon noong 1954 sa Manila Asiad at isa sa 1958 Tokyo bago hindi na nanalo ng gold mula sa 1962 Jakarta Games hanggang sa 2018 Jakarta-Palembang.

Last gold medalist si Adoldo Feliciano noong 1958 Tokyo Games sa men 300-meter rifle position, samantalang huling nakamedalya si Jethro Dionio sa 2-bronze sa 2002 Busan sa men’s trap individual at kasama niya sa men’s team trap sina Ang at Jaime Reci.