Valeriano

Valeriano hinangaan ang pagiging maginoo ni Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Feb 3, 2024
164 Views

HINANGAAN ni Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano ang pagiging maginoo ni House Speaker Martin G. Romualdez dahil mas pinili nitong huwag patulan ang mga patutsada laban sa kaniya sa gitna ng umiigting na diskusyon tungkol sa planong pag-aamiyenda sa Konstitusyon.

Sinabi ni Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na ipinakita ni Romualdez ang pagiging “gentleman” o maginoo sa kabila ng kaliwa’t kanang pangba-batikos laban sa kaniya mula sa mga grupong tumututol sa pag-aamiyenda sa Saligang batas.

Binigyang diin ni Valeriano na tama lamang ang naging desisyon ng House Speaker na huwag na lamang patulan ang mga patutsada at iba pang masasakit na salitang ipinupukol laban sa kaniya ng mga grupong tutol sa Charter Change (Cha-Cha) dahil mas lalong malilihis aniya ang totoong issue.

Ipinaliwanag ng kongresista na sinasagot naman ni Speaker Romyaldez ang mga issues at katanungan na may kaugnayan sa pagsusulong ng People’s Initiative (PI). Subalit sa kabila nito ay nananatili parin mahinahon ang House Speaker sa pagsagot sa mga issues paungkol sa Cha-Cha.

Ayon kay Valeriano, napahanga siya kay Speaker Romualdez sapagkat sa gitna ng mga patutsada at pasarin laban sa kaniya. Mas pinili parin nito ang maging mahinahon at kalmado sa pagsagot sa mga issues. Habang ang iba aniyang politiko ay nagmumura at barumbado kung magsasagot.

“Lubos akong humahanga kay Speaker Martin Romualdez sapagkat sa kabila ng mga bartikos at mabibigat na salitang ipinupukol laban sa kanila. Nananatili parin siyang kalmado at maginoo.

Hindi siya pumapatol sa mga pananalita ng ibang tao, para sa kaniya ay hindi niya kailangan patulan,” paliwanag ni Valeriano.

Sinabi pa ni Valeriano na kung papatulan ni Speaker Romualdez o gagantihan nito ang mga patutsada ng kaniyang mga kalaban. Lalo lamang aniyang malilihis ang issue at maaaring mas maging magulo ang usapin ng Cha-Cha.