Valeriano

Valeriano hinikayat ibang establishments na coffee chain gayahin

Mar Rodriguez Jan 18, 2024
163 Views

HINIHIKAYAT ni Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano ang iba pang “business establishments” na tularan ang isang coffee chain matapos nitong tanggalin ang signage sa kanilang mga outlet na naglilimita sa 20% discount para sa mga senior citizens at persons with disability (PWDs).

Pinapurihan ni Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, ang pamunuan ng coffee chain dahil sa naging pagkilos nito matapos nilang i-atras ang ang paglilimita sa nakukuhang 20% discount na nakalaan para sa mga senior citizens at PWDs.

Sinabi ni Valeriano na maituturing na “good faith” o pagpapakita ng sinseridad ang ipinamalas ng coffee chain sapagkat pinatunayan lamang nila na nais nilang tuwirin ang anomang nagawa nila dahil sa pagtanggi ng kanilang mga outlet na bigyan ng nararapat na discount ang mga matatanda at PWDs.

Dahil dito, hinihikayat ng kongresista ang mga business establishments na gayahin din ang coffee chain. Kasunod ng pagbibigay nito ng babala para sa iba pang negosyo na huwag maging “manhid” o maramot sa pagbibigay ng naa-angkop na discount para sa mga senior citizens at PWDs.

Ipinaliwanag ni Valeriano na hindi palalampasin o paliligtasin ng Kamara de Representantes ang mga kompanyang matitigas ang ulo na lantarang hindi nagbibigay ng nararapat na discount.

Kung saan, kailangan din nilang humarap sa imbestigasyon para magpaliwanag.

“Ang hindi ko maintindihan eh’ para bang ikalulugi nila kung magbibigay sila ng discount para sa ating mga senior citizens at PWDs. Hindi niyo po iyan ikakalugi kaya sana naman ay maawa po kayo sa kanila. Gayahin po natin kung ano ang ginawa ng coffee chain, huwag po tayong maging maramot,” ayon kay Valeriano.

Nauna rito, kinatigan ni Valeriano ang naging direktiba ni House Speaker Martin Romualdez laban sa mga kompanyang hindi nagbibigay ng discount para sa mga persons with disability (PWD).

Sinasang-ayunan ng kongresista ang ibinabang kautusan o atas ni Speaker Romualdez sa mga Komite sa Kamara de Representantes para magsagawa ng isang masusing imbestigasyon patungkol sa ilang walang-konsensiyang kompanya na hindi nagbibigay ng discount para sa mga PWDs.

Ipinabatid ng mambabatas na napaka-halaga na magkaroon ng isang malalim na pagsisiyasat sa Kongreso hindi lamang para papanagutin sa batas ang nasabing komapnya. Bagkos, makapag-balangkas ng isang panukalang batas ang mga kongresista para sa kapakanan ng mga PWDs.

Sinabi ni Valeriano na kinakailangan na talagang magkaroon ng isang malinaw at konkretong batas upang obligahin ang mga kompanya na magbigay ng discount para sa mga PWDs at Senior Citizens na kadalasan ay binabalewa ng mga kompanyang ito ang pagbibigay ng diskuwento.