Valeriano

Valeriano itinanghal ng PRC bilang 2023 Outstanding Professional of the Year

Mar Rodriguez Nov 15, 2023
820 Views

NAKATAKDANG ITANGHAL ng Professional regulation Commission (PRC) si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano bilang “2023 Outstanding Professional of the Year” sa larangan ng Customs Broker.

Ayon sa PRC, ang “Outstanding Professional of the Year” ang pinaka-mataas na parangal na iginagawad o ipinagkakaloob ng ahensiya sa isang propesyunal alinsunod sa ibinigay rekomendasyon ng mga kasamahan dahil sa ipinamalas nitong “professional competence” sa mataas na antas.

Sa liham na ipinadala ng PRC kay Valeriano, isang licensed Broker. Sinabi ng nasabing ahensiya na ang kongresista ang napili nila para tanghaling Outstanding Professional ngayong taon bunsod narin ng hindi matatawarang kakayahan at propesyunalismo na ipinakita ni Valeriano batay narin sa naging recomendasyon ng Chamber of Customs Broker Inc. (CCBI).

“The Outstanding Professional of the Year is the highest award bestowed by the Commission upon a professional as recommended by his / her peers for having sufficiently demonstrated professional competence of the highest degree and conducted himself / herself with integrity in the exercise of his / her profession,” paliwanag ng PRC.

Ang pagkakatanghal kay Valeriano bilang Outstanding Professional of the Year (2023) ay resulta naman ng husay na ipinamalas ng mambabatas bilang isang licensed Broker sa gitna ng mga usapin na kinakaharap ng mga lisensiyadong Broker na idinulog naman ng CCBI kay Valeriano.