Valeriano

Valeriano nagbabala kaugnay sa peligrosong paggamit ng maliliit na LPG tank

Mar Rodriguez Mar 22, 2025
20 Views

Valeriano1Valeriano2NANANAWAGAN si Manila 2nd Dist. Rep. Rolando “CRV” M. Valeriano sa Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang ahensiya ng pamahalaan upang makapag-balangkas sila ng mga inisyatiba at hakbang tungkol sa peligrosong paggamit ng maliliit na LPG tank sa loob ng bahay.

Dahil dito, bilang miyembro ng House Committee on Trade and Industry, nagbabala si Valeriano hinggil sa napaka-delikado at maling paggamit ng LPG tank sa loob ng pamamahay partikular na kung ito ay sarado o kulob dahil maaari itong magresulta sa pagkakaroon ng sunog.

Pagdidiin ni Valeriano na hindi dapat ginagamit sa pang-matagalang pagluluto ang LPG kaya dapat tiyakin ng DTI at iba pang ahensiya ng pamahalaan na magkaroon ng malinaw na babala kasunod ang mahigpit na regulasyon tungkol sa paggamit ng LPG.

Nananawagan din ang kongresista sa kinauukulan upang repasuhin ang mga safety guidelines kasabay ng pagsasagawa ng imbestigasyon patungkol sa mga insidente ng pagsabog na kinasasangkutan ng paggamit ng maliliit na LPG.

Sabi ni Valeriano na napakahalagang tiyakin na tama at malinaw ang impormasyong natatanggap ng publiko upang maiwasan ang mga naturang trahedya.

“I call on the DTI to conduct an administrative review of the importation, manufacture and sale of LPG tanks with capacities smaller than 11kg. These small tanks pose serious fire hazards especially with the stoves mounted directly on top of them,” wika ni Valeriano.