Rolando Valeriano

Valeriano nagbabala sa matinding problemang dulot ng paparating na El Nino

Mar Rodriguez Jul 2, 2023
154 Views

NAGBABALA ang isang Manila Congressman at Chairman ng House Committee on Metro Manila Development sa mga water companies na matindi ang idudulot na problema ng paparating na El Nino phenomenon kaya hindi umano maaari ang paulit-ulit na water crisis o interruption sa Metro Manila.

Binigyang diin ni Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano, Chairperson ng Committee on Metro Manila Development sa Kamara, na hindi dapat balewalain ng mga water concessionaires ang napipintong pananalanta ng El Nino batay narin sa ibinigay na babala ng PAGASA.

Sinabi ni Congressman Valeriano na alinsunod sa ibinigay na babala ng PAGASA, tiniyak nito na malakas, matindi at magtatagal ang El Nino Phenomenon na inaasahang aabot hanggang unang quarter ng susunod na taon (2024) na makaka-apekto sa napakaraming Pilipino.

Ayon kay Valeriano, bagama’t ang Pilipinas ay isang “archipelagic country” o napapalibutan ng tubig at karagatan. Subalit nakapanlulumo aniya na sa kasalukuyan ay tuyong-tuyo ang mga gripo sanhi ng labing-tatlong (13) oras na water interruption kada araw na nagsisilbing kalbaryo ng mga mamamayan.

“The Philippines is an archipelagic country that is too lucky for being surrounded with large bodies of water. Yet, our news recently are full of announcements of water interruptions, not in several minutes but it extended 13 hours per day. Nakakalumo isipin na bahagi ito ng ating sakripisyo,” Sabi ni Valeriano.

Aminado din ang kongresista na sa kasalukuyan ay walang kakayahan ang gobyerno na magkaroon ng sariling water supply katulad sa bansang Singapore na mayroong pag-aaring Singapore’s Public Utilities Board (PUB). Kung kaya’t nagti-tiis na lamang ang publiko sa serbisyo ng dalawang kompanya.

“As our government lacks the fund to launch such an extensive operation. Our water concession may have to expand by way of having more private players in the water industry. Dalawa lang kasi sila sa ngayon. Razon-Ayala’s Manila Water and the Pangilinan’s Maynilad,” Ayon pa kay Valeriano.