Calendar

Valeriano naglatag ng mga suwestiyon para maibalik ang tiwala ng publiko sa mga pulis
INILATAG ni Manila 2nd District Representative Rolando “CRV” M. Valeriano kay bagong Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III ang ilang mungkahi para maibalik ang dating tiwala ng publiko sa nadungisang imahe ng buong kapulisan.
Iminumungkahi ni Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, ang ilang reporma sa hanay ng PNP upang muling magtiwala ang mamamayang Pilipino sa kapulisan matapos mabahiran ng dungis ang imahe nito sa mga nagdaang panahon.
Ayon sa kongresista, ilan sa mga aspetong dapat bigyan pansin ng PNP ay ang pagsasampa ng kaso alinsunod sa mga ebidensiyang nakalap nila at hindi sa pamamaraan ng mga “planted evidence” at ang pagsasa-alang-alang sa karapatan ng mga biktima.
Kabilang din sa mga suwestiyon ni Valeriano ay ang pagbabawal ng interview sa mga nahuhuling suspek nang hindi kaharap ang kanilang legal counsel upang hindi maabuso ang kamang-mangan sa batas ng nahuling salarin.
Pagbibigay diin pa ni Valeriano na hindi maikakailang labis na nabahiran ng dungis ang imahe ng buong PNP dahil sa pagkakasangkot ng ilang tauhan nito sa mga nagdaang kontrobersiya partikular na noong nakalipad na administrasyong Duterte.
Dahil dito, ipinaliwanag pa ng Manila solon na dapat maging maingat ang PNP at Department of Justice (DOJ) sa pagsasampa ng mga maling kaso o “wrong charges” para lamang mapabilis ang paggagawad ng hustisya gayong sa kalaunan ay madi-dissmiss ang nasabing kaso.
“The PNP and DOJ should guard against the filling of the wrong charges by police officers for the ulterior purpose of getting the charges against the guilty dismissed. Giving them protection against double jeopardy or using the charges as a form harassment against the innocent,” sabi nito.
Dagdag pa ni Valeriano na, “I hope General Torre will be receptive to these observations and suggestions for improved public order and safety. Ito ay para muling bumango ang mga pulis sa publiko.