Calendar
Valeriano nakiisa sa pagdadalamhati sa pagpanaw ni JPE
NAKIISA ang Chairman ng House Committee on Public Order and Safety na si Manila 2nd District Representative Rolando “CRV” M. Valeriano sa pakikidalamhati sa pagpanaw ni dating Senate President at kasalukuyang Presidential Legal Counsel na si Juan Ponce Enrile.
Sinabi ni Valeriano na ang ibinigay na serbisyo ni Juan Ponce Enrile para sa ating bansa ay hindi matutuldukan sa pagpanaw nito sapagkat ang ilan sa mahahalagang bagay na nagawa ng batikang abogado, dating Senator at mahusay na Statesman ay magpapatuloy hanggang sa mga susunod na henerasyon.
Pagbibigay diin ng kongresista na hindi matatawaran ang talas ng utak at angking talino ni Enrile bilang isang opisyal ng gobyerno sa loob ng napakahabang panahon kung saan ang iniwan nitong legacy ay patuloy na gugunitain ng mamamayang Pilipino dahil narin sa kaniyang napakalaking kontribusyon.
“Gifted with a sharp mind with expertise in law, finance, national security, politics, energy and local government. Fewer still are the people who could match his mental acumen, range and depth,” sabi ni Valeriano.

