Hon. Valeriano

Valeriano: “No Plate, No Travel” policy palawigin sa buong Metro Manila

Mar Rodriguez Jul 9, 2024
97 Views

𝗜𝗠𝗜𝗡𝗨𝗠𝗨𝗡𝗚𝗞𝗔𝗛𝗜 𝗻𝗴 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝘁𝗲 𝗼𝗻 𝗠𝗲𝘁𝗿𝗼 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 “𝗖𝗥𝗩” 𝗠. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 𝘀𝗮 𝗟𝗮𝗻𝗱 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 (𝗟𝗧𝗢) 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗯𝘂𝗯𝘂𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀 𝗽𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗶𝗻 𝗼 𝗽𝗮𝗴-𝗶𝗯𝗮𝘆𝘂𝗵𝗶𝗻 𝗽𝗮 𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 “𝗡𝗼 𝗣𝗹𝗮𝘁𝗲, 𝗡𝗼 𝗧𝗿𝗮𝘃𝗲𝗹” 𝗽𝗼𝗹𝗶𝗰𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗯𝗮𝗴𝗸𝗼𝘀 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮’𝘁-𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗶𝘆𝘂𝗱𝗮𝗱 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗹𝗮𝗸𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆𝗻𝗶𝗹𝗮.

Ayon kay Valeriano, naging matagumpay ang naturang kampanya ng LTO sa Lungsod Quezon matapos silang makahuli ng tinatayang nasa 101 tricycle na walang plaka kasunod ng pagkaka-impound sa mga tricycle na walang rehistro at plaka.

“Kinakailangang mas lalo pang palawigin ng LTO ang kanilang kampanya sa buong Metro Manila upang magkaroon ng mahigpit na patakaran laban sa mga tricycle na bumibiyahe ng walang plaka o unregistered,” ani Valeriano.

Napakahirap aniyang habulin o ma-trace at papanagutin ang isang tricycle driver halimbawang masangkot ito sa aksidente o kaya naman ay nakabangga sapagkat hindi naman naka-rehistro sa LTO ang kaniyang sasakyan lalong-lalo na at wala din itong plaka.

Ikinagagalak din ng kongresista na ang hanay mismo ng mga rehistradong o may mga plakang Tricycle Operators and Driver’s Association (TODA) sa QC na ang nakikipag-ugnayan sa LTO para linisin ang kanilang grupo patungkol sa ilan nilang miyembro na walang plaka ang kanilang sasakyan.

Sinabi ni Valeriano na ang ipinakitang kooperasyon ng mga TODA sa QC ay positibong indikasyon na nakahanda silang makipagtulungan sa LTO laban sa mga pasaway nilang miyembro na hindi lumalaban ng parehas sa mga lehitimong tricycle drivers.

Binigyang diin ng mambabatas na hindi lamang sa QC problema ang mga colorum o mga hindi rehistradong tricycle kundi sa buong Metro Manila.

Dagdag pa ni Valeriano, ang isinagawang operasyon ng LTO ay naglalayong maprotektahan ang mga lehitimong tricycle operators na nagrereklamo sapagkat bumababa ang kanilang kita dahil na rin sa kagagawan ng mga hindi rehistradong tricycle.

To God be the Glory