Valeriano

Valeriano pabor na papasukin ang ICC Para mag-imbestiga

Mar Rodriguez Nov 28, 2023
132 Views

Upang malinawan mga issue vs Digong

PABOR si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano na payagang mag-imbestiga ang International Criminal Court (ICC) tungkol sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kabilang na dito ang issue ng “tokhang” o ang madugong “war on drugs”.

Sina ni Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na kung tutuusin ay hindi dehado kundi mas papabor pa nga kay Duterte ang pagpasok ng ICC sa Pilipinas para magsagawa ng imbestigasyon. Sapagkat malilinawan ang mga isyung ikinukulapol laban sa kaniya.

Binigyang diin ni Valeriano na mas maipapaliwanag ng dating Pangulo ang bawat alegasyong ipinupukol laban sa kaniya at mabibigyan din nito ng pagkakataon ang kaniyang mga kritiko na mapakinggan ang kaniyang paliwanag tungkol sa mga kontrobersiyal na issue gaya ng “war on drugs” nito.

Ipinaliwanag ng kongresista na kung talagang naging maayos ang kampanya ni Duterte laban sa illegal na droga sa pamamagitan ng “tokhang”. Ito na umano ang kaniyang pagkakataon para ipaliwanag ang kaniyang panig at para mawala din ang pagnghuhusga sa kaniya ng publiko.

“Kapag hinayaan natin ang ICC na mag-imbestiga, maaaring duon mas maipapaliwanag ni Duterte ang o makakapagbigay siya ng linaw sa issue. Ito na ang kaniyang pagkakataon para mapakinggan ang kaniyang panig at magpatunay para mawala ang panghuhusga sa kaniya ng publiko,” sabi ni Valeriano.

Ipinahayag naman ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na bahaghi umano ng proseso ng Kamara de Representantes ang pagdinig kaugnay sa inihaing resolution ng mga kongresista na nananawagan sa gobyerno na makipag-tulungan sa isasagawang imbestigasyon ng ICC.

“Well as they say, this is what you call, this is the sense of the House of Representatives. There is succession of resolution that are being filed and of course as a matter of course. We have to read out these bills or resolutions and we have to act on the same and we have to be sensitive and responsive to the mga hinaing po ng ating mga kongresista,” ayon kay Speaker Romualdez.