Rolando Valeriano

Valeriano pinapurihan mahusay na pamumuno ni Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Jul 12, 2023
287 Views

PINAPURIHAN ng chairman ng House Committee on Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano ang mahusay na pamumuno ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez dahil sa sobrang pondo na natipid ng Kamara de Representantes noong 2022.

Sinabi ni Valeriano na malaki ang magagawa ng P4.7 bilyong budget surplus ng Kamara de Representantes upang unti-unting resolbahin ang napakaraming problema ng bansa. Kabilang na dito ang problema sa kagutuman o poverty at kawalan ng trabaho ng mga Pilipino.

“I would like to commend our House Leadership for the savings this last fiscal year despite numerous accomplishments. It is timely and a big contribution to the Filipinos who are saddled in poverty due to the pandemic,” ayon kay Valeriano.

Ipinaliwanag din ni Valeriano na napakahalaga na makita ng publiko na ang kasalukuyang liderato ng Kongreso sa pangunguna ni Speaker Romualdez ay nagsisikap na makatipid sa gitna ng mga usapin na may ilang ahensiya ng pamahalaan na walang habas sa paggastos ng kanilang pondo.

“Mainam na marinig na may ganitong pagsisikap na makatipid ang Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Speaker martin Romualdez sa gitna ng mga balitang pagwawaldas ng ibang ahensiya ng pamahalaan,” ayon pa kay Valeriano.

Nagbigay pugay din ang kongresista kay Speaker Romualdez bunsod ng mahusay na pagganap ng Kongreso sa tungkulin nito sa pamamagitan ng pagsasabatas ng nasa 30 panukalang batas o legislative measure kada araw na mataas ng 10% outpit kumpara sa mga nakalipas na House Leadership.

“Our House Leadership processed an average of thirty legislative measures per session day. Ten percent (10%) more than our output in the previous Congress during the same period,” Sabi pa ng mambabatas.