Calendar
Valeriano pinuri sina Nacorda, Brawner dahil sa matibay na suporta kay PBBM
NAGBIGAY pugay si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano para kina Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Nacorda at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Gen. Romeo Brawner dahil sa pagpapahayag nila ng solido at matibay na suporta para kay President Bongbong Marcos, Jr.
Pinapurihan ni Valeriano, chairperson ng House Committee on Metro Manila Development, sina Nacorda at Brawner matapos nilang ipahayag ang kanilang patuloy na suporta para kay Pangulong Marcos, Jr. sa gitna ng kumalat na destabilisasyon laban sa kaniyang administrasyon.
Sinabi ni Valeriano na ipinapahiwatig lamang nina Nacorda at Brawner na nananatiling professional ang PNP at AFP sa kabila ng pinapalutang na alingasngas ni dating retired Philippine Army Brig. Gen. Johnny Macanas patungkol sa di-umano’y destabilization plot na siya rin ang may pakana.
Ikinagalak din ng kongresista na mas pinili ng dalawang opisyal ang kapakanan at kagalingan o welfare ng mamamayang Pilipino. Sa halip na patulan o kaya naman ay sumakay sa isyung pilit na pinalalaki ni Macanas sa pamamagitan ng pagpapakalat na may namumunong destabilization laban sa pamahalaan.
Ayon kay Valeriano, kahanga-hanga ang ginawa nina Nacorda at Brawner sapagkat mas nanaig sa kanila ang pagiging professional sa halip na patulan ang isyung ipinapakalay ni Macanas na maaaring magdulot ng mas malaking problema o kaya magpapala sa sitwasyon sa bansa.
“Para sa akin eh’ kahanga-hanga ang ginawa nila General Nacorda at Brawner dahil mas nanaig sa kanila ang pagiging professional. Mas nangibabaw sa kanila ang kapakanan ng taongbayan. Hindi sila nagpadala sa mga ipinapakalat na intriga nitong si Macanas, truly they are an officer and gentlemen,” sabi ni Valeriano.
Nauna ng ipinahayag ni Valeriano na naniniwala siyang tama ang ginawang aksiyon Nacorda matapos nitong kasuhan ang isang retiradong heneral dahil sa pagpapakalat nito ng alingasngas o maling impormasyon sa kaniyang vlog.