Valeriano

Valeriano positibo na magbibigay pag-asa para sa economic Cha-Cha pagbabago ng liderato sa Senado

Mar Rodriguez May 27, 2024
110 Views

POSITIBO si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano na magbibigay ng malaking pag-asa para sa Kamara de Representantes patungkol sa isinusulong nitong “economic Charter Change” ang naganap na pagbabago sa liderato ng Senado para maisakatuparan ang pag-amiyenda sa 1987 Constitution.

Sinabi ni Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na ang malaking ang pag-asa ng economic Cha-Cha matapos na maluklok si Senator Francis “Chiz” Escudero bilang Senate President.

Gayunman, ipinaliwanag ni Valeriano na hindi maaaring apurahin ang Senado kaugnay sa magiging pagkilos nito dahil kailangan munang mag-usap sina House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez at Escudero patungkol sa mga susunod na hakbang kaugnay sa economic Cha-Cha.

Subalit naniniwala si Valeriano na bukas ang liderato ng Senado sa pakikipag-usap sa liderato ng Kamara de Representantes matapos nitong ipasa ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 7.

Ang bersiyon ng Kongreso para sa panukalang pag-aamiyenda sa economic provision ng 1987 Constitution.

“Kahit papaano ay may nakikita tayong pag-asa na matatalakay sa Senado ang bersiyon ng Congress o RBH No. 7 sa Senado sa ilalim ng leadership ni Senator Chiz Escudero. Hintayin lamang natin kasi kauupo pa lamang ni Senagtor Escudero. Pero at least may pag-asa tayong nakikita,” ayon kay Valeriano.

Samantala, pinangunahan ni Valeriano ang pagkakaloob ng tulong para sa kaniyang mga ka-Distrito sa Maynila katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng pagbibigay ng ayuda para sa mga mahihirap na pamilya sa kaniyang Distrito.

Sinabi ni Valeriano na layunin ng isinulong nitong program ana mabigyan o mapagkalooban ng “financial assistance” ang mga tinatawag na “near poor” kabilang na dito ang mga sumasahod ng minimum wage earners na apektado ng inflation at matinding krisis na nararanasan ng bansa.