Valeriano

Valeriano sa ICI: Ituloy imbestigasyon sa flood control scandal

Mar Rodriguez Jan 6, 2026
173 Views

π—›π—œπ—‘π—œπ—›π—œπ—Ÿπ—œπ—‘π—š ng chairman ng House ng House Committee on Public Order and Safety na si Manila Rep. Rolando Valeriano sa bumubuo ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) na ituloy ang imbestigasyon hanggang sa lumabas ang katotohanan at mapanagot ang mga may sala sa maanomalyang multi-bilyon pisong flood control scandal.

Sinabi ni Valeriano na malayu-layo pa ang landas na tatahakin ng ginagawang pagsisiyasat ng ICI bago nito tuluyang mapalabas ang buong katotohanan sa naturang isyu at mapanagot ang mga salarin sa nangyaring anomalya.

Hinihikayat din ni Rep. Valeriano si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na panatilihin ang imbestigasyon ng ICI sa kabila ng pagbibitiw ng ilang miyembro nito.

Paliwanag pa ng Manila solon na ang appointment kamakailan ng bagong commissioners ng ICI ay indikasyon na talagang seryoso ang ICI sa kanilang ginagawang pagsisiyasat.

Ayon pa kay Valeriano, umaasa din siya na ang naresolba na ang isyu sa budget ng ICI kaya maaari na nilang ipagpatuloy ang kanilang imbestigasyon ng wala ng hadlang.

“I hope the personnel and budget issues have been resolved by now. So the ICI can keep working without a logistics handicap,” dagdag ng kongresista.