Calendar
Valeriano umaasa na mabilis na matutugunan ng DOH pagsiklab ng TB sa Tondo
OPTIMISTIKO si Manila 2nd Dist. Rep. Rolando “CRV” M. Valeriano na mabilis na matutugunan at maso-solusyunan ng Tuberculosis Directly Observe Treatment Short-cource (TB DOTS) ng Department of Health (DOH) ang biglang pagsiklab at paglaganap ng TB sa Tondo na itinuturing na masikip at maraming populasyon sa parte ng Lungsod ng Maynila.
Naniniwala si Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Develolment, na ang biglang paglaganap ng TB sa Tondo ay posibleng resulta ng nangyaring sunog at pagbaha na nagtulak naman sa libo-libong residente ng Tondo na magsiksikan sa iisang evacuation center na nagdulot naman upang lumaganap ang TB.
Gagunman, tiwala naman si Valeriano na malulunasan ng DOH ang laganap na TB sa Tondo sapagkat madali naman aniyang gamutin ang naturang karamdaman.
Pinasalamatan din ng kongresista ang kapwa nito mambabatas na si Iloilo 2nd Dist. Rep. Janette L. Garin dahil sa ipinakita nitong malasakit para sa libo-libong residente ng Tondo na kasalukuyang dumaranas ng TB.
“I trust DOH and DSWD will take it from here and do what the must as soon as possible,” wika ni Valeriano.