Valeriano

Valeriano walang nakikitang masama sa Bagong Pilipinas hymn at pledge para sa lahat ng tanggapan ng gobyerno

Mar Rodriguez Jun 11, 2024
106 Views

๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜. ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐—ฅ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ “๐—–๐—ฅ๐—ฉ” ๐— . ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ, walang ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜‚๐˜๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—™๐—ฒ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฑ “๐—•๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด” ๐—ฅ. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€,๐—๐—ฟ. ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด “๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€” ๐—ต๐˜†๐—บ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—น๐—ฒ๐—ฑ๐—ด๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ณ๐—น๐—ฎ๐—ด-๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ผ๐—ฏ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐˜€๐˜๐—ถ๐˜๐˜‚๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป.

Binigyang diin ni Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na hindi dapat bigyan ng masamang interpretasyon o maling pakahulugan ang naging direktiba ng Pangulong Marcos,Jr. sapagkat ang layunin lamang nito ay ang buhayin ang espiritu ng patriotism o “spirit of patriotism” para sa mga tauhan ng gobyerno.

Ipinaliwanag ni Valeriano na ang awiting “Bagong Pilipinas” ay isa rin paalala hindi lamang para sa mga kawani ay opisyal ng pamahalaan. Kundi para sa lahat ng mamamayang Pilipino na panahon na para magkaroon ng pagbabago at pag-unlad sa bansa na inilalarawan sa nasabing hymno.

Kinatigan din ng kongresista ang ibinigay na pahayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na wala naman masama kung sambitin o awitin man ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan ang Bagong Pilipinas hymn dahil ipinapahiwatig lamang ng awitin na mayroong pag-asa ang Pilipinas sa gitna ng mga pagsubok.

Ayon kay Valeriano, hindi makakatulong ang mga negatibong komentaryo patungkol sa awitin. Sa halip, dapat magkatulungan ang bawat mamamayan para umangat ang pamumuhay ng mga Pilipino.

“Wala naman tayong nakikitang masama sa kanta. It is in fact a good reminder to our countrymen. Much less our public servants na panahon na para magbago ang pamumuhay sa ating bansa.

Iyan ang ipinapahiwatig ng theme ng Bagong Pilipinas hymn,” wika ni Valeriano.

Sabi pa ni Valeriano, hindi rin dapat bahiran ng politika ang Bagong Pilipinas hymn sakaling ganito ang gagawin ng ilang kritiko ng administrasyon sapagkat ang nais lamang ibigay na mensahe ng Pangulong Marcos, Jr. ay ang pagkakaisa ng bawat Pilipino alang-alang sa bayan.