Pilipinas super league

Vanguards, Tigers magtutuos sa PSL opening

423 Views

KASALUKUYANG inilalatag ng Cocolife- Pilipinas Super League ang huling mga preparasyon para sa inaabangang pagbubukas nito ngayong Biyernes, March 18 sa Dipolog Sports Complex.

Inaasahang mapupuno ng mga basketball fans ang stadium matapos ang dalawang taong pahinga dulot ng COVID-19 pandemic.

“Medyo tight ang preparation, pero we’re quite excited lalo na with the launching and inauguration of the Pilipinas Super League, ang bagong pambansang liga ng Filipino,” sabi PSL president Rocky Chan.

Magu-umpisa ang PSL sa isang makulay na opening cermonies simula 2 p.m..

Magaganap naman simula ika 4 p.m ang exhibition match na kung saan magtatapat ang grupo ng mga team at local government unit (LGU) officials na kikilalanin na Cocolife Executive -LGU team at ang mga kilalang personalidad na bubuo sa Ripples Celebrity All-Stars.

Magsisilbing main attaction ang kaunaunahang laro ng liga na magaganap simula 6 p.m. kung saan magtutuos ang hosts Roxas Vanguards at Davao Occidental-Cocolife Tigers.

“Gusto naming i-bring back yung entertainment talaga in basketball. Hindi lang siya totally basketball. Kumbaga, super saya, may mga papremyo tayo, and super exciting ang mga laro,” pangako ni Chan.

Itinalaga na unang commissioner ng liga ang basketball legend na si Marc Pingris, habang tutulong naman sa pagtatag ng PSL ang chief executive officer na si Dinko Bautista at vice president Rey Alao.

Ayon kay Chan, doble ang oras na tinatrabaho ng mga opisyales ng liga para tiyakin na magiging matagumpay ang opening salvo.

“Almost 24 hours nagtra-trabaho ang mga personnel para lang maibigay natin ang excitement sa opening sa March 18,” ipinagpatuloy ni Chan. “That’s how excited we are.”

Bukod sa Roxas at Davao Occidental, kabilang sa mga koponan na lalaban sa unang conference ng PSL ang Basilan-BRT, Bicol Spicy Oragons, Cagayan Valley Golden Eagles, Cagayan de Oro

Higalas, Pagadian Explorers at Lapu-Lapu Chiefs – ARQ Builders.

Ang mga nabanggit na koponan ay magpapakitang-gilas sa paglipat ng league venue sa Roxas, Zamboanga del Norte para sa natitrahang bahagi ng unang komperensya.

Ang misyon ng PSL ay ang i-develop ang Philippine basketball sa pamamagitan ng pagbibigay ng avenue para sa mga manlalaro mula sa iba’t ibang rehiyon na hindi pa natutuklasan para maipakita ang kanilang kahusayan at matupad ang pangarap na makaabot sa professional ranks.

.Ang mga laro ay mapapanood sa buong bansa sa pamamagitan ng Net 25 at mapapanood din nang live sa ilang mga istasyon sa Visayas at Mindanao at sa livestreaming platform sa PSL facebook page.

Suportado ng Ripples Media and Entertainment ang unang season ng PSL katuwang ang Wilson — the official ball of the PSL, Gatorade, Malyab, Tri Energy, Phenom Sportswear, W Cube

Solutions, Viryx, Zooey — distributed by Blueskyplastic Marketing, Zyrepro Superb Prebiotic, Bearwin’s Corny Doggy at ang mga broadcast partners na Net 25 at MyTV Cebu. Gab Ferreras

Schedule sa March 18

(Dipolog Sports Complex)

2 p.m. – Opening ceremonies

4 p.m. – Cocolife Executive-LGU vs. Ripples Celebrity All-Stars

6 p.m. – Roxas vs. Davao -Cocolife