Alfred Vargas

Vargas iminungkahi WFH para sa empleyado ng gobyerno

Mar Rodriguez Mar 22, 2022
296 Views

DAHIL sa sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng gasolina na lalo pang nagpapahirap sa kalagayan ng publiko. Iminungkahi ngayon sa pamahalaan ng isang Metro Manila solon ang tinatawag na “work from home –hybrid work set up” para sa lahat ng empleyado ng gobyerno bilang bahagi ng “new normal”.

Ito ang nilalaman ng House Resolution na inihain ni Quezon City Rep. Alfred Vargas na nagmumungkahi sa pamahalaan na sa bahay na lamang magtrabaho ang mga government employees sa pamamagitan ng “work from home –hybrid work set up”.

Ikinatuwiran ng kongresista na ang sunod-sunod na pagsirit sa presyo ng gasolina na sinundan pa ng pagtaas din sa presyo ng pagkain. Ang isa sa mga pangunahing dahilan upang maging mahirap para sa mga empleyado ng pamahalaan na mag-report sa kani-kanilang opisina.

“The high cost of fuel is especially difficult for many workers and employees who are now returning to office-based arrangements,” ayon sa mambabatas.

Ang paghahain ni Vargas ng nasabing Resolusyon ay alinsunod sa naging hakbang ng gobyerno na nag-aatas sa mga empleyado ng Business Process Outsourcing (BPO) industry na magbalik na sa kani-kanilang opisina bilang bahagi ng new normal.

Subalit mariing tinutulan ng mga kompanya ng BPO ang naturang hakbang ng gobyerno. Sa halip ay iminumungkahi nilang mas mainam kung susuporatahan na lamang ng pamahalaan ang tinatawag na “hybrid work set up” o work from home gamit ang mga hi-tech equipment.

Binigyang diin ni Vargas na sa pambayad lamang sa gasolina at pangunahing produkto gaya ng pagkain mapupunta ang kikitain ng mga empleyado ng pamahalaan. Kung sakaling oobligahin silang mag-report sa kanilang mga opisina.

“In support the BPO industry are finding it difficult to report for work as high fuel costs and rising prices of basic commodities and services are eating into their incomes,” sabi ni Vargas.