Vargas

Vargas nananawagan sa agarang pagsasabatas ng Digital Literacy

Mar Rodriguez Feb 13, 2025
13 Views

BUNSOD ng lumalaganap na “fake news” at disinformation sa social media, nanawagan si House Assistant Majority Leader at Quezon City 5th Dist. Rep. Patrick Michael “PM” D. Vargas para sa agarang pagpasa at pagsasa-batas ng panukala kaugnay sa “Digital Literacy in Basic Education Curriculum”.

“The internet has become a vast, unfiltered space where truth falsehoods coexist. We must empower our younger generations with the tools to critically assess online content, ensuring that they are not easily misled by misinformation,” paliwanag ni Vargas.

Ikinababahala ng House Assistant Majority Leader na maraming mga kabataan sa kasalukuyang henerasyon ang sadyang inililigaw ng mga naglipanang fake news at disinformation sa Social Media kung saan hindi na madetermina ang mali sa katotohanan.

Sinabi ni Vargas na layunin ng House Bill No. 8831 o mas kilala bilang “Digital Literacy in Schools Act” na ma-institutionalize ang digital literacy sa mga pampublikong paaralan kung saan inaatasan nito ang Department of Education (DepEd) na maisama sa module ang “fact-checking, source verification at responsible social media use”.

Binigyang diin ng kongresista na ang kaniyang matibay na paninindigan laban sa talamak na “misinformation” kasunod ang pagsusulong nito ng “digital literacy” ay alinsunod sa nakuha niyang inspirasyon mula sa kaniyang nakakatandang kapatid na si dating QC Rep. Alfred Vargas na mahigit na nakikibaka laban sa fake news.

Ayon kay Vargas, noong panahon ng panunungkulan ng kaniyang Kuya (Alfred) bilang Kinatawan ng 5th Dist ng QC. Matibay ang paninindigan nito laban sa talamak na fake news sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga panukalang batas na naglalayong maparusahan ang mga nagkakalat ng maling impormasyon sa Social Media.

“His efforts in advancing policies that promote truth and media accountability laid the groundwork for my commitment in pushing forward digital literacy as a key safeguard against online disinformation,” sabi pa ni Vargas.