Calendar

Vargas panalo sa ikalawang termino
MATAGUMPAY na nakuha House Assistant Majority Leader at Quezon City 5th District Congressman-Elect Partrick Michael “PM” D. Vargas Vargas ang kaniyang ikalawang termino bilang Kinatawan ng Lungsod Quezon sa papasok ng 20th Congress sa katatapos pa lamang na 2025 mid-term elections.
Nakakuha si Vargas ng 102,648 na boto o mayorya ng mga botante habang ang kaniyang katunggali na si Lin ay nakakuha ng 92,622 na boto.
Ipinagpapalagay naman ni Vargas na ang nakuha nitong tagumpay ay mula sa suporta ng kaniyang mga kababayan sa 5th District partikular na ang libo-libong residente ng Novaliches bunsod ng naging legacy ng pamilya Vargas sa loob ng labing-limang taon.
Pagbibigay diin ng kongresista na sa kabila ng kaliwa’t-kanang paninirang puri at fake news ng kaniyang mga kalaban. Hindi parin umano umubra ang kanilang maruming taktika sapagkat sa kalaunan ay siya parin ang hinalal ng taongbayan.
“Hindi umubra ang fake news cmapign. Sa huli, ang katotohanan at serbisyo pa rin ang siyang nanaig. Diyos ang aking kakampi,” wika ni Vargas.
Kasabay nito, ang kapatid ng mambabatas na si Quezon City Councilor Alfred Vargas ay nagtagumpay din nitong nakalipas na eleksiyon kung saan muli siyang nahalal bilang Konsehal ng 5th District sa ilalim ng Serbisyo sa Bayan Party (SBP).