DA

Vax protocol sa mga baboy pinaparepaso ng DA sa BAI

Cory Martinez Oct 19, 2024
63 Views

INATASAN ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang Bureau of Animal Industry (BAI) na repasuhin ang vaccination protocol upang mapabilis ang pagbabakuna ng mga baboy ng African Swine Fever (ASF) vaccine.

Inilabas ang kautusan bunsod ng magandang kinalabasan ng resulta ng pliot testing ng pagbabakuna sa mga baboy sa Lobo, Batangas noong Agosto.

Batay sa resulta ng blood tests na isianagawa ng BAI sa may mahigit talong dosena ng baboy na binakunahan, nagpapakita na ang mga ito ng sapat na antibody para malabanan ang ASF virus.

Bumili ang DA ng paunang 10,000 dose ng AVAC live vaccines sa Vietnam sa pamamagitan ng emergency procurement noong Agosto bilang bahagi ng mas malawak na plano sa pamimigay ng may 600,000 dose ng bakuna.

Layunin ng vaccine rollout na matapos na ang paghihirap ng hog industry dahil sa ASF na nagsimula pa ang unang outbreak noong 2019.

Aminado naman si Tiu Laurel na maraming backyard hog raiser ang nag-aalanganin na sumama sa ASF vaccine rollout dahil sa ilang negatibong mga balita ukol dito at ang pag-aalala ng mga magbababoy na ang kanilang mga alaga ay kakatayin kapag nagpakita ang mga ito ng sintomas ng virus.

Batay sa pinakahuling datos ng BAI, 14 sa 30 probinsiya sa bansa ang may aktibong kaso ng ASF.