Velasco

Velasco sinigurong kapani-paniwala canvassing of votes

Mar Rodriguez May 22, 2022
217 Views

TINIYAK ni House Speaker Lord Alan Velasco nitong Linggo na magiging mabilis at credible o kapani-paniwala ang gagawing “canvassing of votes” ng Kamara de Representantes para sa nagdaang halalan. Para sa boto ng mananalo at tatanghaling Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa.

Ang naging pahayag ni Velasco ay kaugnay sa isasagawang “Joint Public Session” ng Kamara at Senado para mag-convene bilang National Board of Canvassers (NBOC) alinsunod sa mandato na itinatakda ng Saligang Batas kung saan isinasaad sa Konstitusyon na sa pamamagitan ng nasabing “Joint Public Session” bibilangin ng dalawang kapulungan ang boto para sa Pangulo at Pangalawang Pangulo.

Kasunod nito ang pagdedeklara sa kanila ng Kongreso at Senado bilang mga nanalong kandidato at susunod na Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa.

“The Congress, sitting as the NBOC, is duty-bound to make sure that the entire process of vote counting and transmission of results will be done expeditiously and with utmost transparency and integrity,” sabi ni Velasco.

Idinagdag pa ni Velasco na: “We will perform our constitutional duty quickly and efficiently. We will be combining accuracy and speed in order for us to meet our committed timeline.”