Calendar

Vendor hinoldap ng 4 na nakamotorsiklo; mga suspek tiklo
TIMBOG ang apat na suspek sa panghoholdap makaraang biktimahin ang isang vendor noong Huwebes sa Makati City.
Nakasuot pa ng uniporme ng ride-hailing service ang isa sa apat na sakay ng dalawang motorsiklo nang masakote ng Makati police at District Mobile Force Battalion (DMFB) ng Southern Police District (SPD) sa Sedeño St. ilang minuto matapos nilang holdapin si alyas Kiko alas-11:55 ng gabi sa Brgy. Bel-Air.
Sa ulat ni Makati police chief P/Col. Jean Dela Torre kay SPD Director P/BGen. Joseph Arguelles, nabawi sa mga suspek na sina alyas Eugenio, 23; Mourishy, 26; Jarwin, 23; at Raven 20, ang smartphone na kinulimbat sa biktima.
Nakumpiska rin sa kanila ang isang kalibre .38 revolver, isang granada, pekeng .9mm pistol at dalawang motorsiklo na gamit nila sa krimen.
“This arrest is not a product of chance, but of calculated and intelligence-based operations conducted by our highly capable and mission-driven teams,” paliwanag ni BGen. Arguelles.