Vilma

Vi clueless na na-nominate bilang National Artist

Aster A Amoyo Jun 29, 2024
85 Views

Vilma1Vilma4Vilma3OUT of the country ngayon ang Star for all Seasons, multi award-winning actress and former politician na si Vilma Santos-Recto kasama ang kanyang pamilya for a much-needed vacation kaya hindi ito nakadalo sa ipinatawag na press conference ng Aktor.PH na pinamumunuan ng award-winning actor, host, film producer and entrepreneur na si Dingdong Dantes na ginanap sa Sampaguita Hall A ng Manila Hotel nung nakaraang Biyernes, June 28 ng tanghali.

Ayon na rin mismo kay Dingdong, wala umanong alam si Vi (palayaw ni Vilma) na nag-initiate ang Aktor.PH na kanyang pinamumunuan as chairman na isulong ang kanyang nominasyon bilang National Artist for Film and Broadcast na sinusugan at sinusuportahan ng iba’t ibang sektor at individual in and out of showbiz dahil sa ipinakita at kakaibang achievements and contributions ng Star for All Seasons na nagsimula bilang child star, teen star hanggang sa kanyang pagiging most awarded actress sa kanyang henerasyon hanggang sa kanyang pagiging isang mahusay na public servant na kanyang pinaglikukuran nang buong katapatan sa loob ng mahigit dalawang dekada.

Napakahaba ng listahan ng achievements ni Vi in her over 6 decades in the industry at hindi na rin halos mabilang ang mga parangal na kanyang natanggap since she was a child star at pagbidahan ang pelikulang “Trudis Liit” nung 1963 na siyang nagbigay sa kanya ng kanyang first acting award bilang Best Child Performer mula sa FAMAS the following year. Ang nasabing pelikula ay pinamahalaan ni Jose de Villa mula sa magkatulong na panulat nina Mars Ravelo and Chito B. Tapawan under Sampaguita Pictures. Nakasama ni Vi sa nasabing pelikula sina Lolita Rodriguez, Connie Angeles, Luis Gonzales, Bella Flores, Charlie Davao, Rodolfo `Boy’ Garcia at iba pa.

While we were in the press con ng Aktor.PH in Manila Hotel ay tinext namin si Vi about her nomination for the prestigious award of National Artist for Film and Broadcast.

“Hi Te Aster, I am deeply humbled and sincerely grateful to AKTOR led by Chairman Dingdong Dantes for its endorsement!!! Sobrang maraming salamat to my colleagues in the industry for this honor. Sa iba pang mga organizations na nagbigay tiwala….salamat po!

MY HEART IS FULL!!!

SALAMAT TE ASTER!,” text message sa amin ni Vi.

Kung sa first movie niya ay agad siyang tinanghal na Best Child Performer na FAMAS for “Trudis Liit,” ginawaran naman siyang Best Actress ng FAMAS nung 1972 for “Dama de Noche”. Kasunod na rito ang kanyang pagganap sa classic super hero character na Darna in “Lipad, Darna, Lipad” in 1973 na nagkaroon ng tatlo pang sequel.

Nung 1978 ay pinasok ni Vi ang pagpu-produce ng pelikula sa pamamagitan ng “Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak” na pinagtambalan nila ni Bembol Roco at pinamahalaan ni Celso Ad. Castillo. Ang nasabing pelikula ay nakapagbigay kay Vi ng Dalawang Best Picture trophies mula sa FAMAS at sa Gaward Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Ang mga sumunod na taon ay parang namumulot na lamang si Vi ng mani sa kanyang pagtanggap ng Best Actress awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies para sa mga pelikulang “Nakakahiya,” “Burlesk Queen,” “Karma,” “Pakawalan Mo Ako,” “Relasyon,” “Broken Marriage,” “Sister Stella L.,” “Tagos sa Dugo,” “Ibulog Mo Sa Diyos,” “Imortal,” “Ipagpatawad Mo,” “Sinungaling Mong Puso,” “Dolzura Cortez Story,” “Bata, Bata, Paano Ka Ginawa,” “Anak,” “Dekada `70,” “Mano Po 3,” “In My Life,” “Extra” (which she also produced), “Everything About Her” and her 2023 Metro Manila Film Festival movie “When I Met You in Tokyo”. Labas pa ang mga ito sa mga special awards na kanyang tinanggap mula sa magkakaibang organisasyon at award-giving bodies.

Bukod sa pelikula, maraming taon ding naging bahagi si Vi ng telebisyon sa pamamagitan ng “Dulambuhay ni Rosa Vilma,” “The Sensations,” “Vilma” and her special performance in “Once There Was A Love” at sa episode ng “Maalaala Mo Kaya” sa episode ng “Regalo” na nagbigay rin sa kanya ng iba’t ibang parangal.

Kung mahigit anim na dekada na si Vi sa industriya ng pelikulang Pilipino, 21 years din ang kanyang ginugol sa public service na kanyang sinimulan noong 1998 nang siya’y pumasok sa pagka-mayor ng Lipa na kanyang pinaglingkuran ng siyam na taon o tatlong termino. Siyam na taon din siyang naging gobernador ng Batangas mula 2007 hanggang 2016 habang isang term or three years naman bilang kinatawan ng 6th district ng Batangas mula 2016 hanggang 2022.

Turning 71 on November 3, ang nominasyon at pagsulong kay Vi bilang National Artist for Film and Broadcast ay magsisilbing maagang pa-birthday sa kanya.

Vi is married to Finance Secretary Ralph Recto with whom she has a son na Ryan Christian habang ang kanyang panganay na si Luis Manzano ay anak naman niya sa kanyang dating husband, ang actor na si Edu Manzano.

Although aabutin na isang taon ang proseso ng nominasyon, very confident ang AktorPH chairman, actor, host, film producer and entrepreneur na si Dingdong Dantes at lahat ng iba’t ibang individual, grupo at sektor na sumusuporta at nagsusulong sa move na ito na maisakatuparan ang pagiging National Artist ni Vi.