Vice Larawan: Awra Briguela/IG

Vice, Awra nagbonding

110 Views

MOTHERLY love” ang ipinaramdam ni Vice Ganda sa anak-anakan nitong si Awra Briguela matapos isapubliko ni Awra na nag-bonding sila ni Vice ngayong unang linggo ng 2024.

“Celebrating my first week of the year with my lovely mother,” ani Awra kalakip ang larawan nila ni Vice.

Hindi naman nilahad nila Vice at Awra kung ano at saan sila nagbonding pero makikita sa uploaded photos ang “genuine smile” nilang pareho.

Matatandaan na nakaraang taon, napasangkot sa isang insidente sa isang bar sa Makati si Awra, na napaulat na “iniwan sa ere” ni Vice.

Sinagot naman ito ni Vice at sinabing sa gaanong pagkakataon siya mas kailangan ni Awra kaya’y hinding-hindi niya ito iiwan.

Sinabi ni Vice sa isang panayam sa ABS-CBN, “Hindi ko siya iiwanan lalung-lalo na sa posisyon ng buhay niya, she needs guidance and I will be there for her.”