Vice ganda

Vice hindi nahiya ipakita totoong itsura kapag walang wig

Vinia Vivar Jul 19, 2024
52 Views

Hindi nahiya si Vice Ganda nang buong ningning niyang ipakita on national television ang kanyang totoong hitsura kapag walang suot na wig.

Sa live episode ng It’s Showtime kanina, buong tapang na tinanggal niya ang kanyang wig para bigyan ng suporta ang isang contestant sa EXpecially for You na si April who lost her hair due to alopecia.

Ayon sa isang health website, “Alopecia means hair loss, which can be from a single area or several areas of your head and body.”

Noon pa’y naging open naman si Vice about her falling hair at gumagamit siya talaga ng iba’t ibang wig para matakpan ito.

Kaya naman nang marinig niya ang touching story ni April ay nakaramdam siya ng simpatiya sa contestant at sinimulan na niyang tanggalin ang wig.

“Hindi ako nangingimi, kung makakatulong ito para makakuha ng katiting na kumpiyansa si April, why not?” sey niya.

“Ang tagal na panahon, takot na takot ako dito, pag magpapakita nang walang wig. Nasa punto na ako ng ‘hay, wala akong paki.’ Mayroon nang taong mahal na mahal ako kahit wala akong wig,” patuloy niya.

Of course, ang tinutukoy niyang taong nagmamahal sa kanya ay ang dyowang si Ion Perez.

“Hindi na rin ako affected sa mga pangit na pangit sa akin kapag wala akong wig,” sambit pa niya.

“May wig o wala may nagmamahal dito, ‘no! May wig o wala may tumatanggap dito. Bukod kay Ion, mahal ako ng nanay ko, mahal ako ng mga kapatid ko. May wig o wala mahal ako ng pamilya ko, mahal ako ni Lord,” she said.

At this point ay tuluyan na nga niyang natanggal ang kanyang wig at nagpalakpakan naman ang kanyang mga co-hosts.

Naging emosyonal si Vice nang yakapin siya ni April. At nahawa na rin ang iba’t nag-iyakan na rin.

“’Wag kang magmadali. In your time,” payo pa ni Vice kay April.