Vice

Vice pasadong maging miyembro ng BINI

Vinia Vivar Jul 3, 2024
19 Views

BINIKinaaliwan sa social media ang latest post ni Vice Ganda kung saan ay ipinahayag niya ang kanyang interes na maging substitute member ng BINI.

Nag-post ang Unkabogable Star ng latest photos niya at sa caption ay nagbiro siya na kapag may absent na miyembro ng BINI ay pwede siya.

“O alam nyo na BINI ha pag may absent sa inyo pwede tong bata ko! Sariwa, makinis, makipot, gustuhin ngunit mapili,” sey ni Vice.

In fairness, ang pretty ni Vice sa larawan at napaka-fresh and young looking kaya naman maraming netizens ang sumuporta sa kanya.

Komento nila, papasa siya talagang maging miyembro ng BINI.

Tinawag na nga siyang BINI Vice ng mga netizen.

Pati si BINI Mikha ay nag-react ng smiling face with heart emojis meaning, suportado niya ang sinabi ni Vice.

Komento naman ni Kakai Bautista, “Mershmallow sa lambot me.”