Villar

Villar giniit karapatan ng bisikleta sa kalye

196 Views

LAHAT may karapatan gumamit ng kalye kahit ang ordinaryo bisikleta lamang.

Ito ang mariin na giit ni Senator Mark Villar kung saan ay naghain siya ng panukala na tinawag niyang Bicycle Act of 2022.

Ayon sa nakababatang Billar ang panukala na ito ay magbibigay karapatan sa mga siklista na nagbibisikleta na gumamit ng kalye at magbibigay din ang gobyerno ng Local Bikeway Office (LBO), kung saan ay aatasan ang city o municipal engineering office sa maayos na implementasyon ng mga batas at panuntunan gayundin ng regulasyon na maliwanag na isasaad sa Bicycle Act bukod pa sa pagkakaroon ng bikeway roadmap.

“The bill seeks to provide a framework for a bicycle law on a national level so that Filipino commuters may find a cheaper alternative to get to their destination while saving the environment from harmful emissions, ani Sen. Mark Villar.

Sa ilalim ng nasabing panukala ay ang mga sumusunod na karapatan ng sinumang siklista na gagamit ng kalye na isasabatas sakaling ipasa ito sa Kongreso.

• Ride on any public road or street that has been designated as bikeway;
• Know the use of right and left turn signals;
• Adhere to the appropriate speed;
• Wear a helmet at all times, where the chin strap is securely fastened;
• Equip the bike with reflective materials when riding at night;
• Obey all traffic rules and regulations;
• Not riding on crosswalks or sidewalks, but only on bikeways;
• Not clinging to another vehicle; and
• Not carrying more riders than the bike was designed for, unless they’re on a towed seat or trailer, among others.

Ang nasabing panukala ay nag-ugat sa taas ng petrolyo na kasalukuyan kinakaharap ng bansa, kung kayat ayon kay Villar ay mas makatitipid ang ating mga kababayan sa ganitong uri ng transportasyon bukod pa sa ito sa makatutulong sa pangkalusugan ng sinuman tao at maganda rin ang epekto para sa ating kapaligiran dulot ng maayos na hangin.

“Hindi lamang makakatulong sa pangkalusugan ang pagbibisikleta, ngunit nagbibigay din ng alternatibong solusyon sa mataas na presyo ng gasolina, pagtaas ng pamasahe sa transportasyon, polusyon sa hangin, ingay at kabilang ang mga bayad sa paradahan,” giit ni Sen. Mark Villar.

Naniniwala din si Villar na ang bisikleta na mura at maayos sa pangkalusugan ang magbibigay sa mga Pilipino na alternatibo paraan ng transportasyon kung kayat hinikayat niya ang gobyerno at mga PIlipino na ikonsidera ang ganitong bagay at tangkilin ang programa makatutulong sa kalusugan ng karamihan.