Camille

Villar iminungkahi sa pamahalaan na magbalangkas ng mga programa para sa murang bilihin

Mar Rodriguez Mar 5, 2025
21 Views

Camille1Camille2Camille3IMINUMUNGKAHI ni House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate na si Camille A. Villar na kinakailangang magbalangkas ang gobyerno ng mga programa upang maging abot kaya ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Naniniwala si Villar na malaki ang magagawa ng pamahalaan upang maging abot kaya ang halaga ng mga pangunahing bilihin sa mga pamilihan tulad ng gulay, manok at bigas kung saan iniinda aniya ng publiko ang napakataas na presyo nito.

Ipinapanukala ni Villar na isa sa mga pamamaraan upang maibsan ang bigat na pinapasan ng mamamayan bunsod ng mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin ay ang pagkakaroon ng subsidy sa mga magsasaka para mapapaba ang presyo ng bilihin.

Ayon kay Villar, ang isa sa mga magandang gawin ng pamahalaan ay ang pagbili nito sa ani ng mga magsasaka kagaya ng gulay at bigas upang sila narin mismo ang magbebenta ng mga ito sa mga consumers sa murang halaga para hindi na dumaan sa mga middleman.

Sabi pa ni Villar na magandang pamamaraan din ang pagde-deklara ng “food emergency” upang mailabas ang mga nakaimbak na bigas sa mga warehouses ng National Food Authority (NFA).

Tinutulak din ng APBP senatorial candidate ang mahigpit na pagpapatupad ng Anti-Economic Sabiotage Law na nagpapataw ng kaukulang parusa laban sa mga tusong rice traders at middleman na nagsasamantala sa mga magsasaka.

Nais din isulong ni Villar ang isang pang-matagalang solusyon para mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang bagong henerasyon upang mas maging handa sila sa larangan ng pagsasaka. Ganun din ang pagbibigay sa kanila ng kaalaman sa makabagong pamamaraan para sa mas maayos na ani ng mga magsasaka.