Villar

Villar magsisilbing boses ng mga kababaihan sa Senado

Mar Rodriguez Mar 13, 2025
13 Views

Villar1Villar2Villar3Villar4TINIYAK ni House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) Senatorial candidate Camille A. Villar na siya ang magsisilbing “boses” ng mga kababaihan sa Senado.

Sabi ni Villar na sakaling siya ay papalaring mahalal sa Senado, Ipagpapatuloy nito ang kaniyang commitment sa pagmamagitan ng paghahain ng mga panukalang batas at programa na magsusulong ng proteksiyon at empowerment sa hanay ng mga kababaihan.

Ipinahayag din ng APBP senatorial bet na marami siyang inihaing panukala sa Kamara de Representantes kung saan kabilang dito ang pagkakaroon ng quality health at social services para sa mga Filipina. Ipinanukala din nito ang paglalatag ng mga solusyon kaugnay sa iba’t-ibang problema na kinakaharap ng mga kababaihan.

Pagdidiin ni Villar na mahalagang papel ang ginagampanan ng mga kababaihan sa tinatawag na “nation-building” kung saan napakataas aniya ang pagtingin nito sa mga kababaihan.

“Women play a vital role in nation-building. I have a high respect for women of all ages, colors and status. I believe that protecting the interests of women, ensuring their welfare and empowering them is an important service that I could continue to give to all Filipinos when I am elected to the Senate,” sabi ni Villar.

Samantala, nilibot ni Villar ang iba’t-ibang palengke sa lalawigan ng Laguna para alamin ang kalagayan ng mga tindero at tindera.

Sabi ng kongresista na isa rin sa kaniyang mga tututukan pagdating sa Senado ay ang pagbibigay ng prioridad sa mga panukalang batas na tutugon sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihan sa mga pamilihan.

“Nararamdaman natin ang inyong pangangailangan. Patuloy natin kayong tutulungan para mas lalong umasenso tayo,” ani Villar.