Calendar

Villar nananawagan sa DA kaugnay sa magiging impact ng climate change sa agrikultura
NANANAWAGAN si House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Camille A. Villar sa Department of Agriculture (DA) na dapat nitong patupad ang mga batas kaugnay sa kalikasan para hindi masyadong maramdaman ng mga magsasaka ang hagupit ng climate change.
Sabi ni Villar na ang kailangan lamang gawin ng Agriculture Department ay ang full implementation ng mga batas kung saan ang Pilipinas ang isa sa mga pioneers na nagkaroon ng batas patungkol sa climate change alinsunod sa naging mandato ng DA.
“Actually, the Philippines surprisingly enough was one of the pioneers in integrating climate change in our laws. So, as early as 1991 or 1997, there were laws that already mandated Department of Agriculture and other departments to input ang consider climate change,” sabi nito.
Ang usapin ng climate change ang isa sa mga isyu na inilatag ng 12 kandidato ng APBP sa kanilang campaign sorties sa Bicol region kung saan nagbigay naman ang mga senatorial candidates ng mga solusyon para tugunan ang impact ng climate change.
“However, through the years. One of the things that we should ensure is the proper implementation of laws and perhaps review some of the laws to make sure that they are relevant to the times,” ayon pa kay Villar.