Villar

Villar pinuri nagawa ng mga coop para umunlad lokal na ekonomiya

178 Views

PINURI ni Senator Cynthia Villar ang natatanging nagawa ng mga kooperatiba para palakasin ang pag-unlad ng lokal na ekonomiya.
“No cash prize can ever sufficiently reward the very important accomplishments of cooperatives in improving people’s lives, ” ani Villar sa pagbubukas ng Coopreneurs Avenue Bazaar 2023 sa Vistamall, Taguig.

Ipinakikita sa bazaar ang entrepreneurial skills ng mga residente ng Taguig at karatig lugar.

Itinataguyod ito ng Simbayanan ni Maria multi-purpose Cooperative , parish- based na kooperatiba na pinapangunahan ni Fr. Anton Pascual ng Our Lady of the Holy Rosary Parish.

Tumanggap ang Simbayanan ng mga award gaya ng Most Outstanding Cooperative noong 2019 mula sa Cooperative Development Authority at ng Gawad Parangal Award 2019 Regional Outstanding Cooperative sa ilalim ng Large Billion Category?Cooperative Development Authority.

“It was also one of the winners in 2015 Villar SIPAG Awards wherein P5 million in cash were given to 20 cooperatives in their annual nationwide search for outstanding organizations and community enterprises which serve as models in mitigating the country’s poverty,” pahayag pa ni Villar.///ps jun m. sarmiento