Calendar

Villar sisikaping matulungan sektor ng agrikultura sa bansa
INIHAYAG ni House Deputy Speaker at Nacionalista Party (NP) Senatorial candidate Camille A. Villar na sisikapin nitong isulong ang mga programa at adbokasiya para sa interes at kapakanan ng sektor ng agrikultura sa bansa.
Tiniyak ni Villar na sakaling siya ay papalaring mahalal sa Senado, susuportahan nito ang mga panukalang batas na ihahain sa Mataas na Kapulungan para mas lalo pang pasiglahin at paigtingin ang agrikultura kabilang na dito ang livestock.
Ang pahayag ni Villar ay ginawa nito matapos itong magtungo sa lalawigan ng Pangasinan para sa kaniyang campaign sortie kasunod ng pagbibigay nito ng kaniyang commitment para matulungan ang sektor ng pagsasaka.
Sabi ng kongresista na mayroon siyang concern o malasakit para sa kapakanan ng mga magsasaka kasama na ang mga poultry farmers and livestock raisers dahil sa sitwasyong kinakaharap ng mga ito gaya ng kaniyang mga magulang na sina dating Senate President Manuel “Manny” Villar at Senator Cynthia A. Villar.
Kasabay nito, inindorso naman ni Samahan ng Industriya ng Agrikultura (SINAG) Party List Rep. Rosendo So ang senatorial bid ni Villar kung saan winika nito na malaki ang maitutulong ng kongresista para matulungan ang sektor ng agrikultura.