Vilma and Christopher

Vilma nasorpresa sa pagiging number1 ng pelikula nila ni Boyet sa Netflix

Eugene Asis Aug 2, 2024
186 Views

PUMUWESTO agad sa no. 1 ang pelikulang ‘When I Met You In Tokyo’ nang magsimula itong mag-stream online nung July 29 sa Netflix. Ang pelikulang ito ay isa sa 2023 official Metro Manila Film Festival entries at pagbabalik-tambalan ng tinatawag na OG Loveteam of all Time, ang Vilma Santos-Christopher de Leon tandem. Produced ng JG Prouctions Inc. ito ay sa ilalim ng direksyon nina Direk Rado Peru at Direk Rommel Penesa.

Ayon kay Vilma, nasorpresa siya at masayang-masaya siya sa mainit na pagtanggap ng mga manonood ng Netflix sa pinagbidahang pelikula, nila ni Christopher.

“So happy, talaga namang I’m so proud of this movie. Maaring sabihin nila it’s a very simple movie, bakit ka ganyan? No eh, hindi yung kasimplehan ng pelikula namin ni Yetbo (Boyet or Christopher).

Ang importante dito is yung message ng movie kasi pag nakuha mo yung message ng movie, panalo na kami. Hindi ba nandun yung forgiveness, hope, second chances, how important love is, family values. Kung papanoorin mo talaga ng matindi yung ‘When I Met You In Tokyo,’ it’s a very simple story pero nandun lahat. For that I’m really proud na ngayon pinapanood ngayon sa

Netflix, I ask them to watch it again hanggang sa ma-absorb mo yung meaning ng movie.”

Kinilala rin ng ng iba’t-ibqng award giving bodies ang natatanging husay ng Star For All Seasons sa pagganap kung saan tinanghal siya bilang Best Actress sa 2023 Metro Manila Film Festival, sa

first Manila International Film Festival at kamakailan sa 40th Star Awards For Movies. Pinarangalan din sa nakaraang 2024 FAMAS Award’s Night ng Circle Of Excellence sina Christopher at Vilma para sa mahusay na performance nila sa naturang pelikula.