BBM Si Vinny Marcos itinalagang organizer ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025. PCO

Vinny Marcos itinalagang organizer ng ’25 FIVB Volleyball Men’s World Championship

Chona Yu Sep 16, 2024
126 Views

BBM1ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bunsong anak na si Vincent “Vinny” Marcos bilang co-chair ng local organizing committee ng 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship.

Katuwang ng presidential son sa pag-organize ng event sina Sen. Alan Peter Cayetano at Tourism Secretary Christina Frasco.

Nakatakda ang event sa Pilipinas sa Setyembre 12-28, 2025.

Ito ang unang pagkakataon na magsisilbing host ang Pilipinas sa prestihiyosong tournament na lalahukan ng 32 national teams.

Tiwala si Pangulong Marcos na magbubukas ng pintuan ang sports event sa bansa para makuha ang oportunidad na mas lumakas pa ang turismo.

Isang pagkakataon din ito para maipamalas sa buong mundo ang galing ng mga Filipino pagdating sa hospitality sa pandaigdigang entablado.

“This will boost sports tourism in our country and create opportunities for Filipinos to showcase our renowned hospitality on the global stage,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“With Vincent co-chairing the local organizing committee, we are ready to make the most out of this proud moment for the 𝘗𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴. 𝘔𝘢𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘽𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙋𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙖𝙨,” pahayag ni Pangulong Marcos.