Transpo

Vivencio Dizon itinalagang bagong kalihim ng DOTR

Chona Yu Feb 13, 2025
15 Views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Vivencio Bringas Dizon bilang bagong kalihom ng Department of Transportation (DOTr), Papalitan ni Dizon si Transportation Secretary Jaime Bautista.

Nagbitiw sa puwesto si Bautista dahil sa kalusugan.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, magiging epektibo ang pagiging kalihim ni Vizon sa Pebrero 21, 2025.

Si Dizon ay kilala sa kanyang malawak na karanasan sa pampublikong administrasyon at imprastruktura.

Inaasahang ipagpapatuloy niya ang mga programa ng DOTr, partikular sa pagpapabuti ng sistema ng transportasyon sa bansa.

Samantala, pinasalamatan ng administrasyong Marcos si Bautista sa kanyang serbisyo bilang Kalihim ng DOTr at sa kanyang mga naging ambag sa sektor ng transportasyon.

“He is already authorized by the Office of the President to start the transition at the DOTr in coordination with the team of Secretary Jaime Bautista, who has resigned due to health reasons,” pahayag ni Bersamin.